Biyernes, Hulyo 1, 2016

Wika


Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitanglengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.


Ang wika din ay importante sa atin dahil ito ang paraan upang magaroon ng komunikasyon at nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao at hindi magkalituhan. Ito din ang paraan sa pag abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat. Kaya tayong mga talo dapat natin bigyan ng pansin at pahalagahan ang sariling wika dahil ito ang nagsisilbing gabay sa ating buhay.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento